“KUMPILANG-BAYAN 2026: Isang Hakbang Tungo sa Matatag na Pananampalataya”
KUMPILANG BAYAN
October 10, 2026 | By CHIKEE CONTAPAY
“Tumanggap ng Espiritu Santo at patatagin ang inyong pananampalataya kay Kristo.”
Sa ating patuloy na paglalakbay bilang mga anak ng Diyos, inaanyayahan ang lahat ng may edad na labindalawang (12) taong gulang pataas na hindi pa nakatatanggap ng Banal na Sakramento ng Kumpil na makiisa sa Kumpilang-Bayan 2026 ng Sts. Peter and Paul Parish.
📅 Nobyembre 21, 2026 (Sabado)
Ang Kumpil ay hindi lamang isang seremonya, kundi isang banal na hakbang ng pagpapatatag ng ating pananampalataya—isang pagkakataong higit nating tanggapin ang mga biyaya at kaloob ng Espiritu Santo at maging matatag at tapat na mga saksi ni Kristo sa ating pamilya, pamayanan, at sa ating pang-araw-araw na buhay.
Sa pamamagitan ng Sakramento ng Kumpil, nawa’y higit nating madama ang presensya ng Diyos at magkaroon ng tapang na isabuhay ang ating pananampalataya, maglingkod sa kapwa, at maging liwanag para sa iba.
Inaanyayahan ang mga nagnanais tumanggap ng Sakramento ng Kumpil na magpalista sa Opisina ng Parokya hanggang Oktubre 10, 2026.
Halina’t tanggapin ang biyaya ng Espiritu Santo at patatagin ang ating ugnayan kay Kristo. 🕊️