Event

KASALANG-BAYAN 2026: Pag-ibig na Pinagbuklod, Pamilyang Pinatatatag

KASALANG BAYAN

October 10, 2026 | By CHIKEE CONTAPAY

KASALANG BAYAN

𝐏𝐚𝐫𝐢𝐬𝐡 𝐀𝐧𝐧𝐨𝐮𝐧𝐜𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 | 𝐊𝐚𝐬𝐚𝐥𝐚𝐧𝐠-𝐁𝐚𝐲𝐚𝐧 𝟐𝟎𝟐𝟔 💍🕊️

“Ang pag-ibig na tunay ay pinatatatag sa pananampalataya at sa biyaya ng Diyos.”

Sa darating na Disyembre 2026, isasagawa sa Sts. Peter and Paul Parish ang ating Kasalang-Bayan—isang banal at makabuluhang pagkakataon para sa mga mag-asawang nagsasama nang hindi pa kasal sa Simbahan na ialay at pagtibayin ang kanilang pagsasama sa harap ng Diyos.

Inaanyayahan namin ang mga magkapareha na buong pusong tanggapin ang Banal na Sakramento ng Pag-iisang Dibdib, at simulan o ipagpatuloy ang kanilang buhay mag-asawa sa ilalim ng biyaya, gabay, at pagmamahal ng Panginoon.

Kung kayo ay nagnanais na maging bahagi ng Kasalang-Bayan 2026, mangyaring magpatala sa lalong madaling panahon sa Opisina ng Parokya para sa mga kinakailangang paghahanda at dokumento.

Nawa’y maging daan ang pagdiriwang na ito upang ang bawat pagsasama ay maging mas matatag, mas makabuluhan, at higit na nakaugat sa pagmamahal ng Diyos. 🤍

Sama-sama nating ialay sa Panginoon ang pag-ibig, pangako, at kinabukasan ng bawat pamilya