Zumba at Kapihan para sa Poblacion

10 Mar, 2026

Tuwing Sabado ng 7:30 ng Umaga

Ang bawat hakbang, kumpas, at ngiti ay simbolo ng ating hangaring magkaroon ng isang komunidad na aktibo, masaya, at handang magtulungan para sa kapakanan ng lahat.

Magkakaroon din ng munting kamustahan at makabuluhang pakikipag-ugnayan kasama si Kapitan Miko Villena, kung saan maibabahagi ang mga programa, adhikain, at plano para sa patuloy na pag-unlad at kalusugan ng ating barangay. Halina’t makiisa, makigalaw, at makisaya — dahil ang isang malusog na pamayanan ay nagsisimula sa bawat isa sa atin. Sama-sama nating itaguyod ang kalusugan, pagkakaisa, at sigla ng ating lugar!

Image Description