Kalbarista Guidelines

24 Mar, 2026

  • Palaging panatilihin ang kabanalan ng mga Kalbaryo bilang lugar kung saan dinarasal ang Pasyong Mahal at itinatampok ang pagpapakasakit ng Panginoong Hesus.
  • Tiyakin ang taimtim at mdasaling pagbasa ng Pasyong Mahal ayon sa tradisyunal na nakagawian. Ang Pabasa ay dapat magsimula sng gabi ng MIyerkules Santo hanggang bago magtanghali ng Sabado De Gloria.
  • Ang mga malikhaing disenyo ng bawat Kalbaryo ay dapat tugma at naaangkop sa tagpong inilalahad sa Banal na Kasulatan tungkol sa pagpapakasakit nf Panginoon. Tiyakin din na may Krus na nakatampos sa Kalbaryo.
  • Mahigpit na ipinagbabawal ang pag-iinom ng alak, paninigarilyo, pagsususgal o anumang gawaing hindi angkop sa diwa ng Mahal na Araw at sa kabanalan ng mga Kalbaryo.
  • Palakasin ang diwa ng bayanihan at pagtutulungan sa pamamagitan ng paghahandog ng oras, talento at yaman mula sa pagbubuo at pagpapanatili ng mga Kalbaryo.
Image Description