Kalbarista Guidelines
24 Mar, 2026
- Palaging panatilihin ang kalinisan, kaligtasan at kaayusan sa mga Kalbaryo sa lahat ng oras. Huwag magkakalat ng basura. Ayusin ang daloy ng mga tao at turista na bumibisita sa mga Kalbaryo.
- Tiyaking Hesus lamang ang sentro ng mga gawain sa Kalbaryo. Huwag gamitin ang Kalbaryo para sa Politika o para magtanghal ng mga personalidad o kandidato sa Politika.
- Maging tapat at transparent sa paggamit ng pondo o mga donasyon na laan para sa Kalbaryo. Tiyaking may maayos na Financial Report na isusumite sa Parokya.
- Isumite sa simbahan ang maayos na listahan ng mga bagong halal na officers ng Kalbaryo pagsapit ng Linggo ng Muling Pagkabuhay. Ito ay para sa maayos na koordinasyon ng mga ssusunod na mga gawain at programa.
- Ang mga Kalbaryo ay bahagi ng Sts. Peter and Paul Parish. Palaging makipag-ugnayan sa Parokya at aktibong makiisa sa mga gawain ng Simbahan.