Paalala mula sa Poblacion DDRRMC

24 Mar, 2026

Ipinababatid sa lahat ng residente na mayroon bagong contact number ang Poblacion Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC) na maaari ninyong tawagan sa oras ng pangangailangan. Hinihikayat ang lahat na i-save na ang bagong numerong ito sa kanilang cellphone, isulat sa isang nakikitang lugar sa bahay, at ibahagi sa mga kapamilya at kapitbahay — lalo na sa mga bata at nakatatanda.

Sa panahon ng sakuna, ang isang tawag ay maaaring makapagligtas ng buhay. Kaya’t maging handa, maging mapagmatyag, at manatiling konektado sa inyong DRRMC. 

Tandaan: Ang kaligtasan ay nagsisimula sa kaalaman at kahandaan. Sama-sama nating pangalagaan ang ating sarili, pamilya, at buong pamayanan.

Image Description